Hotspot Para Maka-print

Hotspot Para Maka-print

Sa Xentro Mall Malolos ay nandito ang departamento ng DFA kaya naman sa bawat araw ay may mga panauhin na nagtutungo sa atin upang magpa-print ng kanilang mga requirements. Isang araw nga ay may panauhin na magpa-print ngunit wala siyang load sa kaniyang CP. Nagtanong siya kung saan may naglo-load at itinuro namin siya sa Savemore. Ngunit ilang minuto lang ay bumalik ang panauhin na medyo may pangamba sa mukha dahil wala raw tao sa customer service kaya hindi siya nakapagpa-load. "Paano ko kaya maise-send ito?" wika niya.
 
Bilang isang Panday ay hindi natin hahayaan na may masayang na effort ang mga panauhin kaya naman kinuha ko ang aking CP at sinabi ko, “I-hotspot po kita, ma’am. Alam ko po ay may load pa ako na mauubos na ngayong umaga at baka umabot pa tayo hehe.” Dali-dali ko naman itong kinonect sa aking CP at naisend naman ng panauhin sa ating email ang kaniyang ipapa-print. Paulit-ulit ang pasasalamat ng panauhin sa akin at makakaabot siya sa oras ng kaniyang appointment.